TULA

Ang tulang ito ay para sa mga takot.
Takot magmahal, takot masaktan, at takot maiwan.

Ga? Asan kana?
Naka uwi kana ba?
Gabi na!
Asan ka ba?

Pa ulit ulit… Pa ulit ulit… Pa ulit ulit na nalang ba…

Asan ka ba?

Nandito ako, kasama ko siya.

Hindi na ako magtatanong pa. Dahil yun palang alam ko na.

Alam ko na na masaya ka dahil sa kanya.
Alam ko na na hindi mo ako kailangan dahil nandyan na siya.
Alam ko na na kaya mo akong tiisin kasi nga kasama mo siya.
Alam ko na. Di mo na kailangan pang ipag kaila.

Alam ko na ang mga mata mo ay nag niningning kapag nakikita mo siya.
Alam ko na ang mga ngiti mo ay sing tamis nang asukal kapag kasama mo siya.
Alam ko na parang kay dali ng oras na para bang ayaw mo ng natapos ito pag kayoy magkasama.
Alam ko na kaibigan mulang siya.

Pero Ga, tama na. Alam ko na.

Natatakot na ako.

Natatakot akong magmahal sayo.
Ay hindi! Mas natatakot akong magising sa araw araw…
Dahil sa bawat pag dating ng bukas ay mas mina mahal at minamahal at minamahal kita.

Natatakot ako sa bukas dahil natatakot akong masaktan.
Ay hindi! Mas natatakot akong nakikita kitang masaya ka, hindi dahil kasama mo ako kundi kasama mo siya.

Natatakot ako sa bukas na nakikita kang masaya, dahil natatakot ako na iwanan mo. Ay hindi! Mali na naman. Mas natatakot ako na magising ka sa katotohanan na hindi mo na ako kailangan.

Ga ang tulang ito ay hindi alay para sa iyo.
Hindi ako takot magmahal, hindi ako takot masaktan, at mas lalong hindi ako takot ma-iwan.

Mas takot ako na dumating ang bukas, bukas na masaya ka na walang ako, bukas na akoy hindi na ako ang kailangan mo.

Kung magsuslat man ako ng tula para sa iyo.

Ga, papamagatan ko ito ng Sana bukas ako parin, Sana bukas tayo parin, Sana bukas akin ka parin.

๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ

credits photo : https://angelesdeluna.tumblr.com/post/169571370345

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s